Friday , November 15 2024

Leni Robredo suportado pagbura sa PDAF

SUPORTADO ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo ang pagbuwag sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), sa pagsasabing ang pork barrel system ay bukas sa pag-abuso sa diskresiyon na ibinigay sa mga mambabatas.

 ”Iyong PDAF, grabeng discretion ang ibinigay. Iyong discretion ang nakatutukso na maabuso kaya naman tinanggal na iyon,” wika ni Leni Robredo.

“Mas mabuti na ang lahat ng programa ay dadaan na talaga sa propers channels ng gobyerno.  Sinisiguro na walang makalulusot na kaduda-dudang proyekto,” dagdag ni Leni Robredo, dating abogado sa Public Attorney’s Office.

Nang mabulgar ang PDAF scam ilang buwan matapos magsimula ang termino bilang mambabatas, isinulong ni Robredo ang patas na imbestigasyon ukol sa kontrobersiya.

Sa deliberasyon sa PDAF, nais ni Leni Robredo na sukatin ang performance ng local government units (LGU) na nais humingi ng nasabing pondo, na adhikain nila ng asawa at yumaong DILG Secretary Jesse Robredo.

Sa kasalukuyan, isinusulong ni Robredo ang isang sistema na magbibigay ng pagkakataon sa ordinaryong mamamayan, kahit sa barangay level, na magpanukala ng proyekto na sa tingin nila ay para sa kanilang ikabubuti.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *