Friday , November 15 2024

16 patay sa dengue sa Bulacan

UMABOT na sa 16 katao ang namatay sa sakit na dengue sa lalawigan ng Bulacan nang isang batang lalaki ang nadagdag sa listahan ng mga biktima bunsod ng sakit na dengue sa lalawigang ito.

Sa ulat mula sa Epidemiology and Surveillance Unit ng Bulacan Health Office, kinilala ang huling namatay na si Chloeyjade Banquin, 2-anyos, ng Sta. Rita, Guiguinto, sa naturang lalawigan, habang nilalapatan ng lunas sa Bulacan Medical Center.

Nabatid na ang kabuuang kaso ng dengue sa lalawigan ay umakyat sa 6, 939 hanggang Oktubre 25, at ang bilang na ito ay mas mataas ng 335 porsiyento sa 1, 631 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Naitala ang pinamaraming bilang ng kaso ng dengue sa San Jose del Monte sa 1, 066; sinundan ng San Rafael, 530; Sta. Maria, 507; Malolos, 457; Hagonoy, 428; Bustos, 413; San Miguel, 394; Baliuag; 369; Plaridel, 297; San Ildefonso; 275; Guiguinto, 250; Bocaue, 253; Marialo, 221; Bulakan, 215; Calumpit, 212; Pandi, 211; Balagtas, 186; Meycauayan, 154; Angat, 124; Pulilan, 98; Paombong, 93, Norzagaray, 83; Obando, 74; at Donya Remedios Trinidad, 29.

Kasalukuyang nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Bulacan ng “all-out-war” laban sa dengue sa pamamagitan ng malawakang paglilinis at pagsira sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok.

Ayon kay Provincial health officer Jocelyn Gomez, ang operasyon ng nasabing paglilinis ay susundan ng pag-i-spray at patuloy na pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan kung paano mapoprotektahan sa dengue.

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *