Sunday , December 22 2024

Leni Robredo may bentaha sa malawak na karanasan kasama ang mahihirap

ITINUTURING ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo na malaking bentaha ang kanyang malawak na karanasan sa lokal na pamahalaan, na nagbigay sa kanya ng pagkakataong makihalubilo at alamin ang pangangailangan ng masang Pinoy.

“I have a lot of experience sa lokal. I have been partner to my husband for almost of all the 19 years that he was mayor of Naga. I am a representative now of my district,” wika ni Robredo sa isang panayam.

Idinagdag ni Robredo na matagal siyang nagtrabaho sa non-government organization na nakikilahok sa basehang sektor at sa mahihirap kaya alam niya ang pulso at pangangailangan ng masa.

“Palagay ko I will be a good match to Secretary Mar Roxas, kasi ang puso talaga sa grassroots nandoon. Ito iyong puso na borne out of my long years of experience working with them. Palagay ko iyon ang nagbibigay ng lalim,” wika ni Robredo.

“Totoong wala akong karanasan sa national politics pero palagay ko makadaragdag sa tandem namin dahil ako ang makapagbibigay ng local flavor,” dagdag niya.

Alam naman ni Robredo na may bentaha ang kanyang mga katunggali pagdating sa karanasan sa national elections ngunit ito’y babawiin niya sa sipag sa pangangampanya.

“Wala akong resources, wala akong anything. Siguro dodoblehin ang sipag. I realize that I have to introduce myself to the entire country. Marami pang hindi nakakikilala sa akin,” paliwanag ni Robredo.

About Cynthia Martin

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *