Friday , November 15 2024

Hipag na may topak pinapak ni bayaw

POLILIO, Quezon – Walang awang ginahasa ng bayaw ang kanyang hipag na may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Auring, 19, habang agad tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na Bobby, nasa hustong gulang, pawang ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng Polilio PNP, dakong 11:00 a.m. makaraang magluto si Josie sa bahay ng kanilang ina nang utusan ang kapatid na si Auring na dalhan ng pananghalian ang suspek na kanyang live-in partner, sa kanilang bahay sa hindi kala-yuan.

Makalipas ang 30 minuto, hindi pa bumabalik ang biktima kaya nangamba si Josie na may nangyari sa kapatid.

Bunsod nito, ipinasya ni Josie na sunduin ang kapatid sa kanilang bahay.

Ngunit nang malapit na sa kanilang bahay ay may narinig si Josie na humahalinghing sa madamong lugar at nang kanyang usisain ay nagulat nang makitang nakapatong sa kanyang kapatid ang live-in partner niyang si Bobby.

Dahil sa matinding sama ng loob, nagpasya si Josie na sampahan  ng rape sa himpilan ng pulisya ang kanyang live-in partner na kasalukuyang tinutugis na ng mga awtoridad.

About Raffy Sarnate

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *