Monday , April 14 2025

Plaridel Budol-budol queen timbog

NALUTAS na ng pulisya ang serye ng mga panggagantso sa Bulacan makaraang maaresto ang isang ginang na tumatayong lider ng sindikato sa Brgy. Bañga 1st, Plaridel, sa naturang lalawigan kamakalawa ng hapon.

Makaraang maaresto ay agad na kinasuhan ang suspek na si Evelyn De Guzman, 44, ang tinaguriang ‘Budol-Budol queen’ ng Bulacan, at residente ng Brgy. Makinabang sa Baliwag.

Sa ulat na ipinadala ni Supt. Dale Soliba, hepe ng Plaridel police, kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, pinakahuling naloko ng suspek ang biktimang si Mary Ann Diezmo ng Brgy. Tabang sa bayan ng Plaridel.

Ayon sa ulat, nilapitan ng suspek ang biktima habang nasa isang shopping mall at nagpakilalang misis ng isang opisyal ng pulis.

Inakusahan ni De Guzman na ninakaw ni Diezmo ang pitaka ng kanyang anak. At upang patunayan na nagkamali ang suspek ay kusang ipinakita ng biktima ang kanyang bag.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay sinamantala ng suspek na limasin ang laman ng kanyang bag na P6,000 cash at ATM cards saka mabilis na tumakas.

Ngunit bago nakalayo sa lugar ang suspek ay agad nakahingi ng saklolo ang biktima sa mga security guard ng mall hanggang maaresto ang babae.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang nahuling suspek ay marami nang nalokong biktima sa Bulacan sa tulong ng mga galamay niya sa sindikato. 

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *