Monday , July 28 2025

7 drug personalities timbog sa Bulacan

PITO katao, kabilang ang tatlong notoryus drug personalities, ang naaktuhan habang nagpa-pot session sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Supt. Joel Estaris, hepe ng Norzagaray Police, kabilang sa mga naaresto sina Howell Ong alyas tangkad, Julius Cardano alyas Berting, at Ana Marie Serrano alyas Marie, pang-anim, pangpito at pangsampu, ayon sa pagkakasunod-sunod, sa top 10 illegal drug personalities sa naturang bayan.

Samantala, nadakip habang nagsasagawa ng pot session sa isang bahay malapit sa planta ng semento sina Jayvee Faustino at Ramon Lapig.

Kasunod na naaresto sina Peter Panataleon at Santiago Detangel habang sumisinghot ng shabu sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Poblacion.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Norzagaray municipal jail.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *