Thursday , December 26 2024

PNP-HPG na ang magtatrapik ngayon sa EDSA

00 pulis joeyMATAPOS sumailalim sa tatlong araw na seminar sa trapik, magsisimula na ngayong magtrabaho sa kahabaan ng EDSA ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP).

Sila ang ipinalit sa inalis na MMDA traffic enforcers na naging inutil sa pagsaayos ng trapiko.

Bukod sa pagtalaga sa mga de baril na HPG, pinaalis din ang lahat ng sagabal sa daan pati vendors sa kahabaan ng EDSA.

Tingnan natin kung luluwag na mula ngayon sa daloy ng trapiko ang EDSA.

Bigyan natin ng tsansa ang HPG sa pagsasaayos sa busy streets ng Metro Manila.

Double o triple purpose ang pagtalaga ng HPG sa EDSA, bukod sa pagtatrapik ay mahaharang pa nila ang mga kriminal sa kalye at mahuli ang napakaraming kolorum na dumaraan sa highway.

Maging seryoso lang sa kanilang trabaho ang HPG tiyak maaayos ang EDSA.

Hindi sana maging ningas kogon lang ito.

Bantayan natin!

Vendors vs Erap

HALOS lahat na yata ng vendors sa Maynila ay kontra ngayon sa ginagawa ni Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Samantala noong 2013 ay Erap na Erap sila. Kasi si Erap daw ang mag-aahon sa kanila sa hirap.

Pero sa unang dalawang taon ng panunungkulan ni Erap sa City Hall ay na-realise ngayon ng vendors na ang administrasyon ni Erap raw pala ang lalong magpapahirap sa kanila.

Numero unong iniaangal kaya nagno-noise barrage ngayon ang vendors ang pagsasapribado umano ng lahat ng public markets sa Maynila. Tiyak anilang mawawalan sila ng hanapbuhay. Gutom ang kanilang pamilya.

Pangalawang reklamo, sumobra anila ang dami ng nangongotong!

Inirereklamo rin nila ang mahal na upa sa “Hawla ni Erap” o “Orange Tent” na nakapuwesto sa mga gilid ng kalsada at maging sa public plaza.

Kung nagrereklamo ang vendors sa mga bagay na ito, umaangal din ang mga commuter dahil wala na silang madaanang sidewalk at bangketa, puno na raw kasi ng vendors!

Nagrereklamo rin ang mga motorista dahil lumiit ang kalsada kaya grabe ang trapik.

May walong buwan pa si Erap para ayusin ang lahat ng problemang ito ng masa or else baka hindi na siya makahirit ng ikalawang termino sa 2016.

Gigil pa naman si Amado Bagatsing na patalsikin siya sa Maynila. Hehehe…

Nandiyan din si Fred Lim na kinukulit ngayon ng masa na kumandidato muli.

Tiyak magiging mahigpit ang labanan sa pagitan ng tatlong mayorables na ito sa 2016. Erap, Bagatsing o Lim? Kanino kayo?

ESA sa Biliran niraraket ng Mayor?

– Sir Joey, ako po ay taga-Biliran, Biliran. Namimigay dito ng ESA (Emergency Shelter Asssistance) yung mayor namin. Kaso naka-tseke, hindi cash. Magpa-encash ka sa kanya rin. Yung P10K bawasan nila ng P2K. Yung P30K bawasan nila ng P6K. Mga hayop talaga! Mayor damin dito si …. Paki-parating nalang po kay (DSWD) Secretary Dinky Soliman. Wag nyo nalang po ilathala ang numero ko. – Concerned Biliranon

Totoo ba ito, Mayor? Baka gantihan ka ng mga tao sa eleksyon. Ikaw rin?

Mga Katoliko magkaisa na sa pagpili ng kandidato

– Sir Joey, tama ang sinasabi ng mga texter mo. Magkaisa ang mga Katoliko tulad ko. Ang INC ay hindi na solid ngayon. Sila sila lang nagbukingan na. Hindi naman magtiwalag ang isang member kung tama ang pamamaraan. – Roger ng Bacolod

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *