Sunday , December 22 2024

Janitor patay sa bugbog ng US army sa Tacloban

TACLOBAN CITY – Patay ang isang janitor ng San Jose Elementary School sa Tacloban City makaraan bugbugin ng isang US Army na nagbabakasyon lang sa siyudad.

Kinilala ang suspek na si Lee Guyon, 26, nakadestino sa 25th ID 2nd Brigade 121 Infantry Charlie Coy, residente ng Wahiana, Hawaii at may kasama siyang isang nagngangalang Rolando Duran, isang seaman.

Ang biktima ay kinilalang si Edwin Matiza, 30-anyos.

Ayon kay S/Insp. Edgar Octaviano, hepe ng Abucay PNP, kustomer sa isang restobar ang suspek at ang biktima.

Dahil sa kalasingan, nasukahan ni Matiza si Guyon kaya nagalit ang suspek. Binugbog ng nasabing US army ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay.

Ngunit may ibang anggulo na nakikita ang pulisya dahil ayon kay Octaviano, posibleng iniwang buhay ang biktima makaraan bugbugin ngunit nasagasaan ang ulo ng isang truck.

Sa ngayon, hinihintay pa ang magiging resulta ng awtopsiya sa labi ng biktima para makapagsampa na ng kaso laban sa mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *