Friday , November 15 2024

P13-M gastos sa piitan ng ‘Bilibid 19’ sa Muntinlupa

PINASINAYAAN kahapon ang lilipatang Building 14 ng high-risk inmates ng New Bilibid Prison (NBP).

Ililipat sa naturang gusali sa maximum security compound ng Bilibid ang tinaguriang “Bilibid 19” na pansamantalang inilipat sa National Bureau of Investigation (NBI) makaraan mapag-alamang nagpapasok sila ng kontrabando sa Bilibid.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson at chaplain Roberto Olaguer, may 29 kulungan ang gusali na kasya ang 58 bilanggo.

Bawat selda nito ay may nakatutok na closed-circuit television (CCTV), double deck na kama, lababo at kubeta.

Sabi ni BuCor Director Rainer Cruz III, dati itong execution chamber building na 84 bilanggo ang isinalang sa silya elektrika.

Huli itong ginawa noong Oktubre 21, 1976.

Umabot sa P13 milyon ang ginastos sa rehabilitasyon ng lugar.

Ayon kay Justice Sec. Leila De Lima, wala pang petsa kung kailan ililipat ang “Bilibid 19” na ngayo’y 18 na lang makaraan mamatay ang isa dahil sa iniindang sakit.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *