Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay sa landslide sa Kennon Road (4 pa sugatan)

DALAWA ang patay sa pagguho ng lupa sa Camp 7 sa Wabac, Kennon Road sa Baguio City, dakong 9 a.m. nitong Lunes.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Marjorie Magsino, 33-anyos, taga-Urdaneta, Pangasinan.

Kinilala ang ikalawang biktima na si Teresita De Guzman, 61, binawian ng buhay sa Baguio General Hospital.

Sugatan ang 40-anyos driver ng van na si Ernesto Luis; Ping De Guzman, 42; Henry Eugenio, 46, at si Mary Jane Lobino, 34.

Sa imbestigasyon, paakyat ang tinatahak na kalsada ng van ng mga biktima nang biglang gumuho ang bundok sa kanang bahagi at natabunan ang kanilang sasakyan.

Samantala, isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 32-kilometrong Kennon Road dahil sa gumuhong lupa.

Minero todas, 4 sugatan sa pagguho ng lupa (Sa Benguet)

BAGUIO CITY – Patay ang isang minero habang sugatan ang apat iba pa nang matabunan ng lupa ang kanilang tinutuluyang bahay sa Ududan, Ampucao, Itogon, Benguet kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Marlon Pablito, imbestigador ng Itogon Municipal Police Station, ang namatay na si Joven Robiz Baw-anan, 30-anyos, at tubong Nueva Viscaya.

Samantala, nagpapagaling pa sa Baguio General Hospital and Medical Center si Manuel Balang Diano, 30-anyos, tubong Nueva Viscaya, napinsala ang kanang binti.

Habang nagkaroon lamang ng minor injuries sina Barton Baw-anan, 17; Amos Robiz Baw-anan, 21; at si Glenn Baw-anan Balao, 18-anyos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng kampo nila ang biktima nang biglang gumuho ang lupa sa taas ng kanilang tinitirhan.

Pinaniniwalaang ang walang humpay na pag-ulan na dulot ng habagat ang sanhi ng landslide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …