Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Bong hihirit makadalaw sa ama sa ospital

HIHILINGIN ng kampo ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na payagan siyang mabisita ang amang isinugod sa ospital.

Bago magtanghali nitong Sabado, isinugod sa ospital ang dating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr.

Nananatili ang nakatatandang Revilla sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig dahil sa iniindang dehydration at pneumonia, ayon sa tagapagsalita ng pamilya na si Atty. Raymond Fortun.

Makaraan aniya ang isang araw sa ospital ay may positibo nang pagbabago sa kalagayan ng 88-anyos dating senador ngunit nais pa rin ng mga doktor na sumailalim siya sa magnetic resonance imaging (MRI) scan upang matiyak na hindi rin siya tinamaan ng stroke.

“Yesterday po kasi nang ipinasok siya, medyo lethargic po, listless, hindi makausap nang maayos tapos medyo pumipikit-pikit at inaantok which may actually be more serious than the initial finding. Gusto nilang makita kung ano ‘yung kondisyon ng kanyang utak,” paliwanag ng abogado.

Gayonman, mahigpit na tinututulan ng pasyente ang naturang pagsusuri.

Ani Fortun, “Hindi ko po masasabing maselan, delikado o malubha ang kondisyon ng kanyang tatay. Pero gusto po talaga ng mga doktor na sumailalim siya sa isang MRI at sa tingin po ng mga pamilya ay si Senator Bong lang po talaga ang makakokombinsi sa kanyang tatay na pumasok po sa ganitong klase ng procedure.”

Dahil aniya rito kaya magsusumite ng petisyon ang kampo ng senador para madalaw ang ama.

Binanggit din ni Fortun na personal itong hiniling ng may sakit na Revilla.

Kwento ng abogado, “Naiyak po siya and sabi niya, ‘Please, please, attorney, do whatever you can. I want to see my son.’”

Kasalukuyang nakapiit si Bong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa mga kinakaharap na kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Huli siyang nakalabas ng kulungan nang dalawin ang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla na nagpapagaling makaraan aksidenteng maiputok sa sarili ang nililinis na baril.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …