Sunday , December 22 2024

Bagyong Falcon nanatiling malakas

NAPANATILI ng Bagyong Falcon ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong pa-kanluran hilagang kanluran.

Batay sa huling abiso ng PAGASA, dakong 10 a.m. nitong  Miyerkoles, namataan ito sa layong 1,250 kilometro (km) silangan ng Calayan, Cagayan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro kada oras (kph) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 160 kph.

Hindi rin nagbago ang bilis ng paggalaw nito na nasa 20 kph.

Walang lugar na nakasailalim sa public storm warning signal dahil sa naturang bagyo ngunit itinaas ang gale warning sa lahat ng seaboards ng Luzon.

Gayonman, nagdadala ng pag-ulan sa bansa ang Habagat na pinalakas ng severe tropical storm (STS) Linfa (dating Bagyong Egay) na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR). 

Inaasahang sa Biyernes ng umaga lalabas sa PAR si ‘Falcon.’

Klase sa NCR atbp sinuspinde sa ulan, baha

SINUSPINDE ang klase kahapon sa maraming siyudad sa Metro Manila at karatig na mga lugar dahil sa pagbaha bunsod nang malakas na pagbuhos ng ulan mula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon.

Ang buong Cavite ay nagdeklara na rin na walang pasok all levels mula 11 a.m. maging ang lalawigan ng Batangas.

Humabol ang Las Piñas at nagdeklara na rin na walang pasok ang afternoon classes.

Unang nagpaabiso pasado 5 a.m. si Quezon City Mayor Herbert Bautista at sinuspendi ang klase ng mga estudyante sa lahat ng antas sa private at public schools sa lungsod.

Sumunod dito, inihayag ni Pateros Mayor Jaime “Joey” Medina na walang pasok ang lahat ng antas sa private at public schools sa lugar ngunit may pasok ang government offices.

Sinuspinde rin ang klase sa Marikina City dahil patuloy na tumataas ang level ng tubig sa Marikina River.

Bukod dito, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Makati, Manila, Mandaluyong, Parañaque, Valenzuela, Pasig, at Pasay City

Habang sa Caloocan ay pre-school at high school lamang ang suspendido ang klase.

Sa Malabon City, suspendido ang klase sa lahat ng level sa dakong hapon.

Red alert nakataas sa La Mesa Dam (Forced evacuation inirekomenda)

ITINAAS sa red alert ang La Mesa Dam nitong Miyerkoles, Hulyo 8.

Ayon kay Engr. Teddy Angeles, itinaas na ang red alert status dakong 10 a.m. nang umabot sa 79.58 metro (m) ang taas ng tubig o 57 centimeter (cm) na lang ang layo sa overflow level na 80.15 m.

Inirekomenda na rin ng La Mesa Dam management ang preemptive evacuation sa mga residenteng naninirahan malapit sa dam at sa Tullahan River dahil malapit na itong umapaw.

Sakaling umapaw ito, daraan ang tubig sa Tullahan River na makaaapekto sa mga kalapit na barangay na sumasakop sa Quezon City, Valenzuela, Malabon at Navotas.

Posible aniyang irekomenda ang forced evacuation kapag mabilis ang pag-angat ng tubig sa dam. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *