Sunday , December 22 2024

Impraestruktura, agrikultura pininsala ni Egay

NAG-IWAN ng milyon-milyong pinsala sa impraestruktura at agrikultura ang bagyong Egay nang manalasa sa bansa.

Sa press conference ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes ng umaga, sinabi ni spokesperson Mina Marasigan, may napinsalang mga bahay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Palawan at Benguet.

Sa nabanggit na mga lugar aniya, apat na bahay ang tuluyang nawasak habang 91 ang bahagyang napinsala.

Sa impraestraktura, batay sa ulat ng Public Works and Highways, umabot sa P4,250,000 ang pinsala sa mga daan sa Cordillera Region bunsod nang pagguho ng lupa at pagbaha.

Mahigit P500,000 ang pinsala sa palaisdaan dahil sa bagyo habang may naitala ring halos P1.3 milyon sa mga palayan sa La Union.

Martes ng umaga nang lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Egay.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *