Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Killer ng tiyahin, nanakal ng lolo, isinuko ng ina (Biktima inilunod sa isang baldeng tubig)

ISINUKO ng kanyang ina kamakalawa ng gabi sa mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa kanyang tiyahin at nanakal sa kanyang lolo kamakailan sa Caloocan City.

Ang suspek na nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police ay kinilalang si RX Cabrera, 30, residente ng Kalawit St., Mayon, Quezon City.

Base sa impormasyon mula kay Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police, dakong 8:30 p.m. nang sumuko ang suspek sa mga awtoridad sa Robinsons San Fernando, Pampanga.

Matatandaan, pinatay ng suspek ang kanyang tiyahin na si Monica Cabrera-Capacete, 57, naninirahan sa Block 24, Lot 13, Kingstown 2 Subdivision, Brgy. 171, Bagumbong, Caloocan City sa pamamagitan ng pagsakal bago inilublob ang ulo ng biktima sa isang balde ng tubig.

Habang nagpapagaling pa sa pagamutan ang lolo ng suspek na si Teodorico Cabrera, 86, naninirahan din sa naturang lugar, nahihirapan pa rin huminga dahil sa pagkakasakal sa kanya ni RX.

Sa ulat ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 1:20 p.m. noong Hunyo 30 sa loob ng bahay ng mga biktima nang hindi bigyan ng tiyahin ng pera ang suspek.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …