Sunday , December 22 2024

Ampatuan Sr., tinaningan ng doktor (Liver cancer nasa advance stage na)

POSIBLENG ilang buwan na lamang ang natitira para mabuhay ang multiple murder suspect na si Andal Ampatuan Sr. makaraan ma-diagnose na may liver cancer.

Base sa medical certificate na isinumite ng kanyang abogadong si Salvador Panelo sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221, nasa advanced stage na ang liver cancer ni Ampatuan Sr.

Ang life expectancy daw para sa nasabing sakit ay tatlo hanggang anim na buwan na lamang, depende ito kapag patuloy na lumala ang liver function, na mas iiksi ang kanyang buhay.

“This is to verify that Andal Ampatuan Sr., is still admitted at our institute. He is currently being managed as a case of advanced liver cancer with signs of decompensation. Prognosis is currently dim as pharmacologist intervention is limited. Expected life expectancy for such case is three to six months but may be shorter if the liver function will continuously and progressively deteriorate,” base sa medical certificate.

Gayonman, ayon kay Judge Jocelyn Solis-Reyes kahit napirmahan ng doktor ni Ampatuan na si Jade Jamias ang medical certificate ay hindi ito na-notarize.

Maalalang kasama ni Ampatuan ang kanyang mga anak at maraming iba pa na nahaharap sa kasong multiple murder kaugnay sa Maguindanao massacre.

Aabot sa 58 ang namatay kabilang ang 32 media practitioners noong Nobyembre 23, 2009 dahil sa nasabing insidente.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *