Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa patay sa aksidente sa Butuan

BUTUAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang suspek na nakabangga at nakapatay sa mag-asawang sakay ng kanilang motorsiklo sa Purok 4, Brgy. Sto. Niño, sa Lungsod ng Butuan, kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Pedro Tan, imbestigador ng Butuan City Police Station (BCPS)-5, ang mga biktimang sina Jonathan Soliva, 57, Leneth Soliva, 46, parehong residente ng Brgy. San Antonio, bayan ng RTR, probinsya ng Agusan Del Norte.

Base sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng mga biktima ang national highway sa bayan ng RTR habang patungo sa Butuan ngunit pagsapit nila sa naturang lugar ay bigla na lang nag-overtake ang kasalubong nilang mini-dump truck sanhi ng pagbangga nito sa kanilang sasakyan.

Dahil sa lakas ng impact, nagkabali-bali ang katawan ng dalawa na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan, habang tumakas ang driver ng truck na si Rico Garmosa, ng Brgy. San Antonio, ng parehong bayan.

Ang may-ari ng sasakyan na si Gerardo Cong ang nakipag-ugnayan sa pamilya ng mga biktima na desididong magsasampa ng kaso laban sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …