Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hubo’t hubad na ginang inilunod sa balde ng tubig (Pamangkin ‘di binigyan ng pera)

HUBO’T HUBAD na nakasubsob ang ulo sa balde ng tubig sa loob ng banyo ang isang 54-anyos ginang makaran sakalin at lunurin ng kanyang pamangkin, saka sinakal at iniuntog sa pader ang ulo ng lolo nang hindi mabigyan ng pera sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Nova General Hospital ang biktimang si Monica Cabrera, residente ng Block 24, Lot 13, Kingstown 2 Subdivision, Brgy. 171, Bagumbong ng nasabing lungsod.

Habang sugatan ang ulo ng ama ni Monica na si Teodorico Cabrera, 66, biyudo, ng nasabi ring lugar, nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital.

Samantala, tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si RX Cabrera, 30-anyos, ng Kalawit St., Mayon, Quezon City, tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni SPO1 Allan Budios, naganap ang insidente dakong 1:20 p.m. sa loob ng bahay ng pamilya Cabrera.

Sa ulat ng pulisya, bago mananghali ay dumating ang suspek sa bahay ng mga biktima hanggang marinig na nagtatalo sina RX at Monica nang hindi bigyan ng pera ng biktima ang pamangkin.

Umalis ng bahay ang suspek ngunit makalipas ng ilang sandali ay bumalik, pinuntahan ang naliligong si Monica at nang mabuksan ang pinto ng banyo ay agad sinakal ang tiyahin.

Nang manghina na dahil sa kawalan ng hangin ay isinubsob ng suspek ang ulo ng tiyahin sa balde ng tubig.

Nang paalis na ay nakasalubong ang matanda na sinakal din ng suspek at iniuntog ang ulo sa pader.

Bago tumakas, nagtungo ang suspek sa kuwarto ng tiyahin at nilimas ang mahalagang kagamitan katulad ng Apple iPod, Telpad at tatlong mamahaling cellphone, at hindi nabatid na halaga ng pera.

Nang dumating ang isa pang pamangkin ng ginang ay naabutan ang dalawang biktima na walang malay kaya isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay si Monica.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …