Sunday , December 22 2024

Cargo truck na may pekeng bigas nasakote sa GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Agad inalerto ni retired Colonel Danilo Ferrer ang buong puwersa ng Civil Security Unit na naka-deploy sa public market sa GenSan kasunod nang biglang pag-alis ng isang cargo truck na sinasabing may kargang pekeng bigas.

Napag-alaman, dumating ang nasabing truck dakong ma-daling araw kahapon at pumarada sa Cagampang St.

Agad naghanap ng buyer ang mga pahinante ng truck na may temporary plate number 1242-0554, lulan ang 100 sako ng bigas na sinasabing galing sa Davao area. Ayon kay Ferrer, hawak na ang pinagdudahang silicon rice na kanilang nakuha sa truck. Nakasilid ang bigas sa kulay dilaw na sako.

Una nang sinabi ni NFA Assistant Provincial Manager Dionesio Hictin, wala silang na-monitor sa pagpasok ng bigas galing ng bansang China.

Aniya, ang mga rice retailer ang unang makaaalam kung nasa merkado na ang pekeng bigas na may halong styrofoam.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *