Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 Koreano negatibo sa MERS

NEGATIBO sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV) ang tatlong South Koreans na una nang kinakitaan ng sintomas ng nakamamatay na sakit.

Ayon kay Department of Health spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, nananatiling ligtas sa MERS ang bansa.

“The results of the laboratory tests already came out and they are negative for MERS-CoV,” banggit niya.

Sinabi ni Lee Suy, ginagamot na lang ang lagnat, ubo at sipon ng tatlong Koreano.

Gayonman, mananatiling nakaalerto ang DoH para mapigilang makapasok sa bansa ang nakamamatay na sakit.

Lunes nang boluntaryong magpatingin sa Manila Doctors Hospital ang tatlo at saka dinala sa Research Institute For Tropical Medicine (RITM) sa Alabang.

‘Asymptomatic’ o hindi nakitaan ng ano mang sintomas ang tatlo nang dumating sa bansa ngunit nilagnat at inubo kalaunan kaya nagpasuri.

Ayon kay Lee Suy, bumiyahe ang tatlo sa South Korea kung saan may MERS-CoV outbreak kaya awtomatiko silang isinailalim sa virus testing. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …