Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Estudyante tigok, 1 pa kritikal sa amok  na BJMP officer

LEGAZPI CITY – Binawi-an ng buhay ang isang 16-anyos estudyante makaraan barilin ng nag-amok na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pio Duran, Albay.

Kinilala ang biktimang si Leo Ostunal, mula sa Brgy. 1 sa nasabing bayan, papasok na sana sa kanyang vocational course sa TESDA.

Tama sa ulo ang naging dahilan nang agarang pagkamatay ni Ostunal na noo’y nakatayo lamang sa pier kasama ang kanyang mga kaibigan nang biglang mag-amok ang suspek.

Habang kritikal sa ospital ang kaibigan niyang si Lyndon Cañaveral.

Napag-alaman, uminom muna ang suspek na si JO2 Renato Samaulan, 43, bago nag-amok at walang habas na nagpaputok ng baril sa mataong lugar.

Ayon kay Senior Insp. Jonnel Averilla, chief of police ng Pio Duran Municipal Police Office, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, may dinadalang personal na problema ang suspek bago pa ang insidente.

Nang malasing, unang nag-amok ang suspek malapit sa pier at pinaalis ang tricycle drivers at maging ang mga kabataang nakatambay.

Makalipas ang ilang sandali, nagbunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang mga kabataang nakatayo malapit sa pier.

Pagkaraan ay sumuko si Samaulan sa kanilang alkalde at ngayon ay nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.

Sinabi ni Averilla, hirap pa ang kanilang mga imbestigador na makausap ang suspek dahil tulala pa rin at ayaw magsalita.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …