Friday , November 15 2024

Mar sinopla si Junjun

0701 FRONT“ANONG pinagkaiba ni Mayor Binay sa ibang mga mayor na sinuspinde o tinanggal sa posisyon ng Ombudsman?”

Ito ang tanong ni DILG Secretary Mar Roxas nang talakayin sa isang morning show ang napipintong suspension ng Office of the Ombudsman kay Makati Mayor Junjun Binay.

Noong Lunes ay nagpalabas ng ‘Order of Suspension’ si Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Binay at 13 pang katao kadikit ng sinasabing maanomalyang transaksyon at overpricing sa pagpapatayo ng Makati Science High School Building.

Pangalawang kaso na ng katiwalian itong hinaharap ni Mayor Binay at kanyang mga tauhan nitong taon. Ang una ay konektado sa sinasabing overpricing ng Makati Parking Building II, na inimbestigahan din ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee.

Iginiit din ni Roxas na regular lamang ang pagpapairal ng suspensiyon at nagpapagulo lang ang mga taktika ng mga Binay. “Ang nagpapa-special dito ‘yung drama ni Mayor Binay na magkukulong daw dun sa City Hall. Minarapat ng Ombudsman na sila mismo nagpadala ng sarili nilang team para mag-serve ng order at ito ay tinaboy at ni-reject ng City Hall of Makati.”

“Hindi sa inyo ang Makati,” banat ni Roxas kay Mayor Binay. “Dapat siguro ay payuhan ni Vice President Binay ang kanyang anak na respetohin at sundin ang batas. Ang tingin ba nila nangingibabaw sila sa batas?, nangingibabaw sila sa Ombudsman? Palagay ko hindi naman tama yun,” dagdag niya.

Sa kabila ng mga taktika ng mga Binay ay patuloy ang maximum tolerance policy ng PNP sa layuning mapanatili ang kapayapaan sa munisipyo, sabi ng kalihim.

Kahapon ay nagkaroon ng girian sa pagitan ng kapulisan at ng mga bodyguard ng mga Binay, kung saan sinasa-bing sinaktan at pinagbantaan sina Police Senior Superintendent Elmer Jamias ng Southern Police District at ang iba pang miyembro ng PNP.

Suspension vs Mayor Binay naisilbi na

NAISILBI na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ipinataw na panibagong suspension order laban kay Makati Mayor Junjun Binay.

Lunes nang ipasuspinde muli ng Ombudsman si Binay dahil sa isyu ng Makati Science High School building, sinasabing kontrobersiyal ang pagpapatayo.

Gayonman, hindi ito tinanggap ng opisina ng alkalde bagkus ay agad humirit ng temporary restraining order (TRO) sa Court of Appeals laban sa utos ng Ombudsman.

Martes nang umaga, tinangkang isilbi ng DILG ang suspension order dahilan para magkagirian ang ng mga kinatawan ng DILG, mga pulis at dalawang kapitan ng barangay.

Sa kabila nito, naipaskil pa rin ni DILG National Capital Region officer-in-charge Maria Lourdes Agustin ang suspension order.

SPD Gen, Binay camp maghahain ng kontra demanda

SANHI nang tensiyon sa Makati City Hall kamakalawa ng gabi, parehong magsasampa ng kani-kanilang kontra demanda ang kampo ng mga pulis at kampo ni Mayor Junjun Binay na may kaugnayan sa muling paghahain ng suspension order laban sa alkalde na may kinalaman sa sinasabing maanomalyang pagpapatayo ng gusali ng Makati Science High School.

Nakatakdang sampahan ng kaso ni Sr. Supt. Elmer Jamias, deputy district director for administration ng Southern Police District (SPD), si Vice President Jejomar Binay hinggil sa  ginawang pananakit sa kanyang mga tauhang pulis na nagbarikada sa bisinidad ng city hall.

Sinabi ni Jamias, malamang kasong grave threat at oral defamation ang isampa nila laban sa bise presidente.

Nabatid na magsasampa rin ng kontra demanda ang kampo ni Mayor Binay laban sa naturang police official na tumatayong ground commander.

Pati aniya mga kawaning papasok sa city hall ay hindi pinapapasok ng grupo ni Jamias, ayon pa sa mga Binay.

Sinasabi ng kampo ng mga Binay, ang mga tauhan ni Chief Inspector Gideon Ginez, ng National Capital regional Police Office (NCRPO), ang nag-umpisa ng gulo at matatandaang inakusahan ng hipag ni VP Binay na si Aida Dizon ang naturang pulis nang panunulak nang tangkain niyang puntahan ang alkalde.

Jaja Garcia

Kid Peña acting mayor muli sa Makati

MULING iniluklok si Romulo ‘Kid’ Peña Jr. bilang pansamantalang kahalili ng suspendidong Makati Mayor Junjun Binay.

Makaraan maisilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ipinataw na panibagong suspension order laban kay Binay dahil sa kontrobersiya sa Makati Science High School building, agad nanumpa si Peña kay Assistant City Prosecutor Julius Caesar Gaurano.

Ginanap ang oath-taking sa lumang city hall ng Makati nitong Martes ng umaga.

Matatandaan, nito lamang Marso nanumpa na rin bilang acting mayor ng lungsod si Peña bunsod nang ipinataw na anim buwan suspensyon ng Ombudsman kay Binay sa isyu ng Makati City Hall Building 2.

Gayonman, ilang oras lang makalipas ng panunumpa, pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Binay na nagtatakda ng 60 araw na temporary restraining order (TRO) sa naunang suspensyon.

Jaja Garcia

Himok ng Palasyo kay Binay: Utos ng korte sundin

HINIMOK ng Malacañang ang pamilya Binay na sundin ang rule of law at tumalima sa preventive suspension order ng Ombudsman kay Makati City Mayor Junjun Binay kaugnay sa maanomalyang Makati Science High School building.

“Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa pagpapairal ng kaayusan at rule of law upang matiyak ang daloy ng serbisyo publiko,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Coloma, lahat ng halal at hinirang na opisyal ng pamahalaan ay nanumpa na susundon ang mga kautusang legal, at kasama rito’y igalang ang utos ng Ombudsman.

“Mahalaga ang pag-iral ng batas o rule of law. Lahat ng halal at hinirang na opisyal ng pamahalaan ay nanumpa na susundin nila ang mga kautusang legal. Bahagi ng tungkulin ng Office of the Ombudsman ang pagsisiyasat sa mga umano’y katiwalian sa pamahalaan at gumawa ito ng kinauukulang hakbang na naaayon sa mandato nito, kabilang na ang pagbaba ng preventive suspension order, bunsod ng mga administrative charges patungkol sa pagtatayo ng Makati Science Building,” aniya.

Iginiit ni Coloma na hindi namumulitika ang Palasyo at walang katotohanan na ginigipit at dinadahas ng administrasyon ang mga Binay.

Kompiyansa rin aniya ang Malacanang na karamihan sa mga isyung ipinukol ni Vice President Jejomar Binay laban sa administrasyon ay nasagot na ng ilang miyembro ng gabinete.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *