Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Same sex marriage pag-aaralan  sa Kamara

SISIMULAN nang pag-aaralan ng Gabriela party-list ang posibilidad na isulong din ang same sex marriage sa bansa kasunod ng desisyon ng US Supreme Court para sa lahat ng estado ng Amerika.

Ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, titingnan nila kung kakayaning maisulong ang laban sa same sex marriage sa loob at labas ng Kongreso.

Kailangan aniyang paghandaan nila itong mabuti dahil mabigat na isyu ito sa bansa.

Paliwanag ng mambabatas, nararapat din nilang piliin ang kanilang laban partikular sa isinusulong nilang diborsiyo sa harap na rin ng pahayag ni Pope Francis na pwedeng payagan ang paghihiwalay ng mag-asawa kung ito ay isang moral necessity.

Gayonman, aminado ang kongresista na panahon na para maging bukas ang isipan ng lahat sa isyu ng same sex marriage at aksiyonan ito at hindi lamang basta pag-usapan.

Ngunit malakas din ang pagtutol dito ng maraming mambabatas na tanging pinapaboran ang kasalang babae at lalake o tradisyonal na uri ng matrimonial ceremony.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …