Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kulay ni VP Binay lumabas — Mar

PATULOY ang paninira ni Vice President Jojo Binay sa administrasyong pinaglingkuran niya sa loob ng limang taon.

Tinawag ni Binay na “kathang isip lang” ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas habang nangangampanya sa isang mass wedding sa Parañaque na proyekto ng isa niyang kaalyado na si Cong. Gus Tambunting.

Sa isang pulong ng Rotary International sa Pasay City, imbes sumentro sa okasyon ay ginamit ni Binay ang pagkakataon upang banatan na naman ang Pangulong Noynoy Aquino.

Kabaliktaran ito ng mga naging talumpati ni Binay noong nakaraang taon, na pinuri niya ang Pilipinas bilang top economic performer sa Asya kumpara sa mga kalapit-bansa nito.

Nang hingan ng pahayag, sinabi ni Mar Roxas, kalihim ng DILG at personal na pambato ni PNoy para sa 2016 eleksiyon: “Maganda ang pakikitungo sa kanya ng Pangulo. Si Pangulo mismo ang nagsabi na hindi siya ginawang spare tire. Binigyan siya ng sapat na kapangyarihan.”

Kasama sa mga tirada ni Binay ang umano’y di pagpansin sa kanya sa Gabinete sa loob ng limang taon.

Inulit ni Roxas na limang taon naging bahagi ng Gabinete si Binay at ni minsan ay walang naging imik.

“Sa bawat SONA, nandoon siya pumapalakpak, wala tayong narinig sa kanya for 5 years. Ano ba ang sinseridad? Ano ang katotohanan? Totoo ba ang sinasabi niya ngayon?,” hamon ni Roxas.

Matatandaang mula nang bumitiw si Binay sa administrasyon noong isang linggo ay walang tigil sa  pagbatikos kay PNoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …