Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-husband suspek sa pagpatay sa bank teller

063015 FRONTBANGKAY na nang matagpuan ang nawawalang bank teller at inilibing sa bakuran ng isang bahay sa Brgy. Balibago, Angeles, Pampanga.

Ayon kay Insp. Ferdinand Aguilar ng Pampanga Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), may tama ng bala sa ulo ang biktimang kinilalang si Tania Camille Dee-Arcenas, 33-anyos, nawawala simula Hunyo 20.

Base ito sa isinagawang autopsy sa bangkay ng biktima.

Suspek sa pagkamatay ng biktima ang dating asawa na si Fidel Sheldon Arcenas. Anim taon na silang hiwalay, at may dalawang anak.

Pagbahagi ni Aguilar, natagpuan ang bangkay ng biktima makaraan dumulog sa pulisya si Regina Dychioco, ina ng live-in partner ni Fidel na si Angela.

Kuwento aniya ni Regina sa pulisya noong Hunyo 27, kahina-hinala ang ikinikilos ng anak niya dahil hiniram ni Angela at ni Fidel ang susi ng bahay nila sa Sta. Ana Subdivision.

Nang kumalat sa social media ang paghahanap kay Tania, at nakilala ni Regina na ang biktima ay dating asawa ng kinakasama ng anak niya, agad siyang kinutuban.

Ibinalik aniya ng anak niya ang susi sa walang taong bahay noong Hunyo 26, kaya pinuntahan niya.

May naamoy siya na hindi kanais-nais kaya agad siyang nagtungo sa pulisya.

Nang buksan ng pulisya ang bahay, nakita nila na inilibing sa bakuran ang nawawalang bank teller.

May nakitang bakas ng dugo sa crime scene ngunit pinaniniwalaang hindi sa naturang lugar pinaslang ang single mother.

Samantala, kuwento ng mga kaanak ni Tania, mula Maynila ay nagtungo ang biktima sa Angeles dahil inalok siya ng dating asawa ng sasakyan.

“Ayon po sa kapatid niya, parang may offer ‘yung dati niyang asawa, bibigyan niya ng kotse si Tania kaya siya makikipagkita sa Angeles.”

Si Fidel din anila ang huling nakausap ni Tania.

“Maliban nga po sa siya ang isa sa huling taong nakausap ni Tania, nakuhaan din ng CCTV sa isang Japanese restaurant dito sa Angeles na magkasama nga po sila.”

Raul Suscano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …