Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 gun for hire members nasakote

APAT armadong kalalakihan na sinasabing mga miyembro ng isang grupo ng gun-for hire ang naaresto nang pinagsanib na puwersa ng pulis-Navotas at Caloocan police Special Weapons and Tactics (SWAT) nang mamataan sa magkasunod na araw sa iisang lugar habang inaabangan ang kanilang target sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

 Kinilala ni Senior Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police, ang mga suspek na sina Chris Kristoffer Ramos, 21, Christopher Villazorda, 35, kapwa ng Navotas City; Freddie Garingo, 52, ng Obando, Bulacan at Samuel Bulado, 39, ng Brgy. Concepcion, Malabon City, pawang nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions at illegal possessions of explosive devices.

Ayon kay Caloocan police Station Investigation Division chie, C/Insp. Ilustre Mendoza, dakong 2:45 p.m. nang madakip ang mga suspek sa C-3 Road, Brgy. 21 ng lungsod.

Sa ulat nina PO2 Joy Alcoriza at PO2 Michael Olpindo, sakay sa isang van sina Navotas police Sr. Insp. Emmanuel Gomez at PO2 Gerry Maliban at binabagtas ang kahabaan ng C-3 Road nang mapansin nila ang mga suspek na sakay sa dalawang motorsiklo at nakabukol sa tagiliran ang mga sukbit na baril.

Agad silang nakipag-ugnayan sa Caloocan Police Assistance Center (PAC-8) na mabilis namang humingi ng tulong sa mga tauhan ng SWAT.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …