Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caddy tigbak sa pulubi

PATAY ang isang 50-anyos golf caddy nang pagsasaksakin makaraan akusahang nagnakaw at minolestiya ang mga babaeng natutulog sa labas ng isang convenience store sa Intramuros, Maynila kamakalawa.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Orlando Buntilao, stay-in caddy sa Club Intramuros Golf Course sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila.

Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 8:45 p.m. nang maganap ang insidente sa gilid ng Palacio del Gobernador sa Intramuros.

Napag-alaman, patungo sa Mini Stop ang biktima upang bumili ng pagkain nang lapitan ang mga natutulog sa labas ng convenience store na inakala niyang mga kakilala niya.

Ngunit nagising ang suspek na inakalang nagnanakaw at minomolestiya ng biktima ang mga babaeng natutulog.

Bunsod nito, bumunot ng patalim ang suspek, inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima saka mabilis na tumakas.

Leonard Basilio, may dagdag na ulat nina Anne Marielle Eugenio, Rhea Fe Pasumbal at Beatriz Pereña 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …