Saturday , December 21 2024

Human Rights Champion durog sa cement mixer

NAGWAKAS sa trahedya ang buhay ng isang kilalang anti-Marcos activist, human rights at community  worker nang mabundol at magulungan ng rumaragasang cement mixer sa madilim na bahagi ng Quirino Highway sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Edgardo Buenaventura, 63-anyos, residente ng GK2 Akle St., Amparo Subdivision, Brgy. 179 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO3 Michael Calora, dakong 10:15 p.m. nang maganap ang insidente sa madilim na bahagi ng Quirino Highway sa nasabing barangay.

Tumatawid ang biktima patungo sa Lilia Eatery sa kabilang bahagi ng highway pero hindi napansin ang rumaragasang cement bulk carrier na dere-deretsong sumapol sa biktima.

Si Buenaventura, Ka Egay sa kanyang mga kasama at kaibigan, ay kasalukuyang project development assistant IV sa Department of Agriculture (DA).

Noong panahon ni Marcos, si Buenaventura ay aktibong community organizer at development worker sa ilalim ng isang programa sa Share & Care Apostolates for Poor Settlers (SCAPS) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Naging bahagi rin siya ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDF) Southern Tagalog at naging kinatawan ng iba’t ibang conference kaugnay nito sa labas ng bansa.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kinakaharap ng suspek na kinilalang si Leonardo Manibog, 34, driver ng cement bulk carrier (PUC-406) na pag-aari ng Transmix Builders & Const. Inc. 

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *