Saturday , December 21 2024

OMB chair Ronnie Ricketts, 4 pa kinasuhan ng graft

SINAMPAHAN ng Office of the Ombudsman ng kasong graft si Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts at apat na iba pa bunsod ng sinasabing pagpahintulot nila na maibalik ang kompiskadong pirated DVDs at VCDs sa owner company nito noong 2010.

Sa reklamong inihain sa Sandiganbayan nitong Miyerkoles ng hapon ngunit ipinabatid lamang sa media nitong Huwebes, sinabi ng government prosecutors, si Ricketts, bilang OMB chairman at executive officer, ay nakipagsabwatan sa apat pang opisyal ng OMB Enforcement and Inspeciton Division (EID) “in giving unwarranted benefit, advantage or preference” sa private company na Sky High Marketing Corporation sa pamamagitan ng pagbabalik sa kompanya sa nakompiskang Digital Video Discs (DVDs) at Video Compact Discs (VCDs).

Ayon sa Ombudsman, sa imbestigasyon ng field officers, nabatid na noong umaga ng Mayo 27, 2010, kinompiska ng personnel ng OMB mula sa Sky High Marketing building sa Quezon City ang tone-toneladang piniratang DVDs at VCDs.

Ngunit dakong hapon, ang confiscated items ay ini-release at ibinalik sa sasakyan ng kompanya, ayon sa Ombudsman.

Bukod kay Rickets, kabilang din sa kinasuhan sina OMB executive director Cyrus Paul Valenzuela, EID head Manuel Mangubat, EID investigation agent Joseph Arnaldo, at EID computer operator Glenn Perez.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *