Saturday , December 21 2024

4 karnaper arestado, nakaw na vans nabawi sa Pampanga

ARESTADO ang apat katao sa isinagawang anti-carnapping operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa San Simon, Pampanga kamakalawa.

Sa ulat kay Chief Supt. Joel Pagdilao, QCPD District Director, nadakip ang mag-anak na Maglanque na sina Andres, Lyndon, Henry, at Jamir, pawang mga residente Purok 6, Brgy. San Miguel, San Simon, Pampanga.

Narekober sa mga suspek ang limang L-300 van, isang aluminum van, isang Adventure at iba’t iba pang piyesa ng mga sasakyan. 

Natunton ang sina-sabing bagsakan ng mga ninakaw na sasakyan nang masundan ang isang van na tinangay sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Anti-carnapping (ANCAR) Chief Insp. Richard Ang, modus ng grupong mag-ikot-ikot sa gabi o madaling araw at kapag may natiyempuhang nakaparada at walang bantay na sasakyan ay tatangayin ito patungo sa katatayan sa Pampanga.

Itinanggi ng mga suspek ang paratang habang susuriin ang mga naba-wing sasakyan para malaman kung tampered ang mga ito lalo’t walang naipakitang mga kaukulang dokumento ang mga naaresto.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *