Saturday , December 21 2024

Airport police tigok sa zumba

062515 FRONTISANG airport police na nakatalaga sa Ninoy Aquino Aquino International Airport (NAIA) ang natumba at pinutukan ng ugat sa ulo matapos dumalo sa weekly physical fitness activity na Zumba sa kanilang headquarters sa Pasay City nitong nakaraang Martes.

Dalawang araw, matapos matumba at putukan ng ugat sa ulo, namatay sa ospital si airport police 2 Archimedez Rodriguez.

Sa panayam sa kanyang mga kasamahan, sinabi nilang hindi madalas dumalo sa kanilang weekly Zumba si Rodriguez, dahil masama lagi ang kanyang pakiramdam.

Lagi umanong sinasabi ni Rodriguez, “nahihilo ako, hindi ko kaya ang magsayaw nang magsayaw.”

Bukod sa laging nahihilo, ang 52-anyos na si Rodriguez, hindi rin umano siya mahilig magsayaw.

Ang hindi pagdalo ni Rodriguez sa Zumba ay nakatawag umano sa pansin ni Manila International Airport Authority (MIAA) Asst. General Manager for Security and emergency Services (AGM-SES) Jesus Gordon Descanzo.

Agad umanong pinadalhan ng memorandum ni Descanzo si Rodriguez dahil sa pagbabalewala sa weekly Zumba ng airport police.

Sa pangambang maireklamo o sampahan ng kaso, dumalo nitong Martes si Rodriguez sa kanilang Zumba dakong 5:00 ng hapon.

Natapos ni Rodriguez ang Zumba at nakauwi pa siya sa kanilang bahay, ngunit pagdating doon ay bigla siyang natumba.

Naitakbo sa ospital si Rodriguez pero pagkatapos ng dalawang araw, pumanaw ang biktima.

Wala pang kompirmasyon ang tanggapan ni Descanzo sa insidente ng pagkamatay ni Rodriguez.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *