Saturday , December 21 2024

Bagong kasal hinoldap ‘sa Honeymoon’ (P.1-M cash gift target)

062415 FRONTLAOAG CITY – Sugatan ang bagong bride nang holdapin sa kanilang bahay ang bagong kasal sa kanilang pulot-gata sa Brgy. Palongpong sa lungsod ng Batac, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Reynaldo Ogay, hepe ng PNP Batac, mahimbing na natutulog ang bagong kasal na sina Rodel Soria, 27, at Aurora Soria, 41, parehong residente sa naturang lugar, nang bulabugin ng tatlong lalaking nasa tapat ng nakabukas na bintana ng kanilang kuwarto. Nang magising ang mag-asawa, nagdeklara ang mga suspek ng holdap sabay tutok ng baril.

Ikinatwiran ng lalaki na nasa kabilang kuwarto ang kanilang pera kasabay nang pagtatangka niyang patakasin ang asawa ngunit pinaputukan sila ng mga suspek kaya tinamaan ng bala ang puwet ng babae. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek pero walang nakuha sa mag-asawa. Isinugod ang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.

Nabatid na ang mag-asawa ay kakakasal lamang kamakalawa at tinatayang umaabot sa P100,000 ang cash gift na naipon nila.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *