Sunday , December 22 2024

Batas na lulutas sa traffic kailangan — Tolentino

KUNG si MMDA Chairman Francis Tolentino ang tatanungin, isang batas ang kailangan para maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay Tolentino ang sabay-sabay na construction sa lansangan tulad ng skyway at pagkumpuni ng mga lansangan ang dahilan ng matinding traffic na nararanasan sa NCR nga-yon.

Ang mabagal at hindi pagtatapos sa tamang oras ng mga road construction ng mga contractor ang nasa likod ng pagkaipon ng maraming paggawa sa kalsada ngayon, ani Tolentino.

Pero ang pangunahing dahilan ng traffic ay mga road repairs at construction na ito ay sa umaga ginagawa imbes sa gabi tulad sa ibang bansa kung kaya’t hindi nararamdaman ng mga motorista roon ang pagsisikip ng lansangan lalo na sa rush hours, aniya.

Dagdag ng traffic czar dapat isang batas ang maipasa na mag-aatas na lahat ng road construction at repairs ay sa gabi gagawin at tapusin sa lalong madaling panahon.

“Ang pagsara ng ilang lanes para sa mga heavy equipment at construction workers ang nagpapasikip ng lansangan. Kung sa gabi ito gagawain, e di maluwag ang mga kalsada natin sa umaga,” sabi ni Tolentino.

Hindi naman sinagot ni Tolentino ang mga balitang tatakbo siyang senador sa 2016 sa ilalim ng Partido Li-beral.

“Trabaho muna tayo bago natin isipin ‘yang politika,” ang tanging sagot ni Tolentino.

Ang hepe ng MMDA ay napipisil ng LP bilang isa sa mga kandidato nito sa 2016 senatorial race. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *