Thursday , June 4 2026

Operasyon ng Cinema 5 ng Ayala Center Cebu sinuspinde

SINUSPINDE ang operasyon ng cinema 5 ng Ayala Center Cebu kasunod ng pagbagsak ng kisame nito na ikinasugat ng siyam biktima.

Ito’y dahil sa kabiguan ng pamunuan ng Ayala Center Cebu na makapagsumite ng incident report sa Office of the Building Official sa Cebu.

Posibleng madamay ng suspensyon ang iba pang sinehan sakaling makitaan ito ng paglabag.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), dulot nang tumagas na sprinkler system ang pagbagsak ng kisame na nakuhaan ng video.

Gumuho ito nang hindi na kayanin ang bigat ng tubig.

Nagbanta ang kompanyang nagsagawa ng ad campaign sa naturang sinehan na magsasampa sila ng kaso laban sa Ayala Center Cebu.

Habang handa ang pamunuan ng mall na harapin ang reklamo sa kanila kasabay ng pagdiin na prayoridad nila ang kaligtasan ng kanilang mga customer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …