Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BI Chief Mison ‘Sinungaling’(Swak sa sariling bibig)

061715 FRONTHINDI totoong hindi nagpa-interview si Bureau of Immigration (BI) chief, Commissione Siegfred Mison sa news reporter ng isang pahayagan na nagpaputok ng isyu ng payola sa mga mambabatas para sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Kahapon, sa isinagawang imbestigasyon sa Kamara (House of Repsentatives), inamin ni Mison, na siya ang nagkompirma sa media na ang kanyang associate commissioner ang nag-ponente ng desisyon para sa kaso ng Chinese national na si Wang Bo.

Si Wang Bo ang tinutukoy sa isang pahayagan na umano’y magbibigay ng P540 milyones para sa mga opisyal ng Department of Justice, Bureau of Immigration at ilang mambabatas sa Kamara para sa mabilis na pag-aapruba ng BBL.

Sa gitna ng imbestigasyon  sinabi ng mamamahayag na si Mison ang talagang may pakana ng suhulan, batay sa impormasyong ibinigay sa kanya ni Gov. Alfonso “Boy” Umali.

Habang idinidiin naman ni Mison sina Associate Commissioner Mangotara at Repizo, ang aniya’y kinausap ng abogado’t representative ni Wang Bo at hindi siya kaya’t wala siyang kinalaman sa naturang alingasngas.

Kaugnay nito, nakaladkad ang pangalan ni Justice Secretary Leila De Lima sa usapin dahil P100 milyon pala ang nakalaan sa kanya sa nabanggit na bribery na gagamitin sa kanyang senatortial campaign, base na rin sa binitawang salita ni Herrera sa pagdinig.

Samantala tahasang sinabi ni Manila Standard Today reporter Christine Herrera  na paninikil sa press freedom ang ginawang pambabraso ni Rep. Elpidio Barzaga Jr., kay sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa BBL payola na kinasasangkutan ng Chinese fugitive na si Wang Bo.

Sa harap ng mga mamamahayag, mambabatas at mga resource person, tinakot ni Barzaga na ipasa-sight for contempt si Herrera dahil hindi siya mapilit na pangalanan ang kanyang mga source sa balitang isinulat niya hinggil sa nangyaring suhulan sa Bureau of Immigration (BI).

Napaiyak si Herrera kaya’t binawi ni Barzaga ang kanyang sinabi ngunit nagbantang itutuloy ang pagpapa-contempt sa reporter kung hindi sasabihin sa susunod na pagdinig ang mga pangalan ng kanyang mga source.

Nauna rito, tinindigan ni Herrera sa harap ng high ranking officials ng BI at ilang mambabatas na nagsilbing mga resource person, ang isinulat niyang may nangyaring anomalya sa laban-bawi na deportation decision ng BI kay Wang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …