Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brgy. off’l namatay sa ‘sarap’

061615 FRONTPINANINIWALAANG inatake sa puso ang isang opisyal ng barangay habang nakikipagtalik sa isang hindi nakilalang babae sa loob ng motel sa Marilao, Bulacan kamakalawa.

Ayon sa ulat mula sa Marilao police, hubo’t hubad na nakatihaya sa sahig at wala nang buhay nang matagpuan ng motel attendants ang biktimang si Roman Lucero, 51, miyembro ng Lupon Tagapamayapa ng Brgy. Ibayo sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ariel Gacutan, dakong 8:45 a.m. nang mag-check-in ang biktima kasama ang isang babae sa Four King’s Hotel sa Saluysoy Road sa nabanggit na barangay.

Ngunit makalipas ang kalahating oras ay namataan ang babae habang tumatakbo palabas ng establisimento.

Bunsod nito, agad tinungo ng motel attendants ang kuwarto ng biktima na nadatnan nilang nakabulagta sa sahig.

Nagsasagawa nang malalimang imbestigas-yon ang pulisya upang mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima, at inaalam ang pagkakakilanlan ng babaeng kasama niyang nag-check-in.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …