Sunday , December 22 2024

65-anyos top-ranking NPA leader arestado sa Bohol

 

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang top ranking NPA leader sa inilunsad na operasyon kamakalawa ng umaga sa lalawigan ng Bohol.

Kinilala ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, ang naarestong mataas na lider ng NPA na si Exuspero Lloren, 65-anyos.

Si Lloren ay naaresto batay sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng RTC Manila Branch 32 kaugnay sa 15 counts ng murder hinggil sa infamous “Inopacan Massacre” na kabilang sa mga biktima ay pinaniniwalaang mga informant ng militar.

Nabatid na si Lloren ay dating Secretary of Eastern Visayas regional Party Committee (EVRPC).

Samantala, bagamat sangkot sa ilang criminal activities si Lloren, pinasok niya ang mundo ng politika noong 1997, tumakbo siyang punong barangay ng Pagina, Jag-na, Bohol at nanalo.

Sinabi ni Cabunoc, nahaharap din sa kasong estafa sa Office of the Ombudsman Visayas ang naarestong NPA leader.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *