Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI agent mananagot — De Lima (Kasabwat ng ‘Bilibid 19’)

TINIYAK ni Justice Sec. Leila de Lima na mana-nagot ang sino mang agent ng National Bureau of Investigation (NBI) kapag mapatunayang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga cellphone at wi-fi modem sa loob mismo ng Pambansang Piitan.

Una rito, nagsagawa ng sorpresang inspection ni De Lima kahapon at inamin ng isang inmate na kasali sa tinaguriang “Bilibid 19” na isa sa mga NBI agent ang kanilang kasabwat para maipasok ang mga kontrabando sa loob ng maximum securty compound ng NBP.

Kumanta ang high profile inmate makaraan magipit nang igiit ng kanyang mga kasamahan na may isa pang cellphone na naipasok sa piitan, ang hindi pa naidedeklara.

Sa ngayon, hawak na ng intelligence unit ng NBI ang mga cellphone at isinasailalim sa forensic exa-mination makaraan ma-kitaan ng text messages na naka-Chinese character.

Agad iniutos ni De Lima na ilipat sa ibang selda ang inmate at isa-ilalim sa witness protection.

Kamakalawa nang hapon, muntikan na namang maipasok ang da-lawang cellphone at isang wi-fi modem sa loob ng Pambansang Piitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …