Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ulo ng 6-anyos nabutas sa kagat ng nabanas na pit bull

LAOAG CITY – Inoobserbahan sa isang pribadong ospital sa San Nicolas, Ilocos Norte, ang isang 6-anyos totoy bunsod nang matinding sugat sa ulo makaraan pagkakagatin ng alagang pit bull kamakalawa.

Ayon kay Brgy. Chairman Emmanuel Ragingan ng Brgy. 13 sa nasabing bayan, nagpasaklolo sila sa mga pulis dahil hindi nila maawat ang pit bull sa pagkagat sa bata na nabutas ang likurang bahagi ng ulo.

Ani Ragingan, dahil sa awa ay hindi na natakot ang nag-aalaga sa paslit kaya sinagupa ang aso upang pigilin ang pagkagat sa biktima

Sinabi niya na kapwa nasa trabaho ang mga magulang ng biktima nang mangyari ang insidente kaya’t ang lolo ang humingi ng tulong.

Samantala, humihingi ang ama ng bata na si Anton Nicolas, empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Ilocos Norte, ng panalangin para sa agarang pag-rekober ng kanyang anak.

Sinabi niya na agad tinurukan ng anti-rabies ang bata nang madala sa ospital at kasalukuyang ligtas na sa peligro.

Naniniwala si Nicolas na nagwala ang alagang pit bull sa kanyang kulungan dahil sa epekto nang mainit na panahon hanggang makawala sa labis na pagkabanas.

HNT

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …