Sunday , December 22 2024

Mison sinabon (Ipinatawag ni De Lima)

misonIPINATAWAG ni Justice Secretary Leila de Lima si Bureau of Immigration Chief Siegfred Mison kaugnay sa sinasabing pagbibigay ng payola ng Chinese fugitive na si Wang Bo upang hindi mai-deport sa kanilang bansa.

Sinasabing sinabon ni De Lima si Mison kaugnay sa isyu na mariing itinanggi ng BI chief.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Mison na bumuo ng karagdagang dibisyon sa kawanihan para hindi na maulit ang kontrobersiya katulad ng deportasyon kay Wang.

Ayon kay Mison, iminungkahi niya ang pagbubuo ng visas and permits division upang mabawasan ang dami ng mga inaasikso ng legal division at matutukan nang husto ang mga kontrobersiyal na isyu at iba pang usaping kailangan ng legal application.

Sinabi ni De Lima, hihintayin niyang maisumite sa kanya ang draft resolution kaugnay sa reorganization ng BI para mapag-aralan ang mga pagbabagong ipatutupad upang hindi na mangyari ang katulad na isyu sa deportasyon ng Chinese crime lord.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *