Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 pulis ng MPD-PS4 sinibak sa puwesto (Preso namatay sa bugbog)

SINIBAK sa puwesto ang tatlong tauhan ng Manila Police District- Station 4 habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang preso sa nasabing estas-yon makaraan pagtulungang bugbugin ng mga kapwa preso.

Ayon kay Supt. Mannan Muarip, hepe ng MPD-PS4, base  sa kanilang daily personnal accounting report, lima sa naka-duty na pulis ay tatlo lamang ang pumasok sa kanilang shift nang mangyari ang pagbugbog sa biktimang si Marvin Curtina, 41 anyos.

Kabilang sa iniimbestigahan at sinibak sa puwesto sina PO2 Ranilo Flores, SPO1 Vicente Maborrang, at PO2 Delfinito Anuna.

Aminado si Muarip na nagkaroon ng lapses sa kanyang mga tauhan kaya iniimbestigahan ang insidente.

Base sa kuha ng CCTV sa loob ng kulungan, makikita na dalawang preso ang nakatingin sa kabilang selda habang binubugbog ang biktima noong Hunyo 3 dakong 7 a.m.

Sa impormasyon, sinasabing nasuntok ng biktima ang kapwa preso na si Benjamin Pineda na isang miyembro ng Bahala na Gang, naging dahilan upang pagtulungan siyang bugbugin sa loob ng selda.

Gayonman, dakong 6 p.m. inilabas sa selda ang biktima at dinala sa ospital ngunit ibinalik din sa MPD-PS4 ngunit ipinuwesto na lamang sa hallway upang hindi mapag-initan ng kapwa preso.

Kinabukasan, dakong 10 p.m. nakita na lamang na nakabulagta ang biktima. Isinugod siya sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Kaugnay nito, dinala na sa MPD-HQ ang pitong preso makaraan isailalim sa inquest proceedings nitong Sabado.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …