Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TODA prexy utas sa tandem killers

PATAY ang presidente ng asosasyon ng mga tricycle driver nang barilin ng riding in tandem makaraan tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang motorsiklo sa mga suspek kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Saint Claire Hospital ang biktimang si Rudy Garino, 53, nakatira sa Dayap St., Brgy. Palanan ng naturang lungsod.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Lumalabas sa inisyal na report na natanggap ni Makati City Police Officer In Charge (OIC), Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, naganap ang insidente dakong 7 p.m. sa panulukan ng Dayap at Ibarra Streets, Brgy. Palanan ng naturang lungsod.

Habang pasakay ang biktima ng kanyang motorsiklo, bigla siyang nilapitan ng mga suspek na magkaangkas sa isang walang plakang motorsiklo.

Pilit na kinukuha ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima, ngunit tumanggi siya kaya binaril siya sa ulo ng mga salarin saka inagaw ang kanyang sasakyan.

Bukod sa pagiging presidente ng samahan ng tricycle drivers, nagpapautang din ng pera ang biktima.

Ayon sa misis ng biktima na si Marietta, umaabot sa P80,000 ang kinokolekta at ipinapautang ng kanyang asawa kada araw.

Hinala ng pamilya Garino, maaaring may kinalaman sa pagiging pinuno ng TODA ang motibo sa pagpatay, at posible ring dahil sa negosyong pautang ng biktima.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …