Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brgy. secretary nahulog sa trike nakaladkad ng van

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Patay ang isang barangay secretary makaraan mahulog sa sinasakyang tricycle at makaladkad ng pampasaherong van sa Brgy. Estefania sa bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Rowin Baribad, 34, sekretarya ng Brgy. Abolo sa bayang nabanggit, habang ang driver ng van ay kinilalang Richard Villon, 35, may asawa, at residente ng Ugac Norte, Tuguegarao City.

Ayon sa PNP-Amulung, nawalan ng preno ang pampasaherong van habang binabaybay ang kahabaan ng lansangan ng nasabing bayan at nabangga niya ang sinusundang tricycle na minaneho ni Cresencio Bumagat, barangay kagawad ng Calamagui Amulung.

Dahil dito, nahulog ang biktima mula sa kanyang inuupuang extension sa loob ng tricycle at nakaladkad ng van nang halos 80 metro ang layo

Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …