Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 ‘Joker’ inutas sa b-day party (Bisita ‘di natawa)

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ang isang lalaki ng kainoman nang mainis sa pagpa-patawa ng biktima sa dinaluhang birthday party sa Bulakan, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Augusto Remular, 57, residente ng Brgy. Panginay, Guiguinto, Bulacan, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan sanhi nang matinding tama ng saksak sa katawan. 

Habang agad naaresto ng pulisya ang suspek na si Gerry Diaz Opla, tubong Surigao del Sur, naninirahan sa  Bgy. Panginay, Bulakan.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa Brgy. Matungao sa naturang bayan dakong 1:30 a.m. sa birthday party  ng isang residente.

Nabatid na bigla na lamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek.

Sinasabing nang hindi nagustuhan ni Opla ang pagpapatawa ni Remular ay itinulak ng biktima ang suspek palabas ng bakuran at inatasang umuwi na sa kanilang bahay.

Pagkaraan ay ipinasya na rin ng biktima na umuwi na ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay inabangan siya ng suspek at inundayan siya ng saksak.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …