INATASAN ni Valenzuela city mayor Rex Gatchalian ang agarang pagpapasara ng lahat ng mga establisyementong walang Fire Safety Inspection Certificates o (FSIC).
Ito ay kasunod ng kautusan ni Presidente Benigno Aquino III upang hindi na maulit ang nangyaring insidente sa pagkasunog ng pabrika ng tsinelas.
Aabot sa ilang libong mga establisyemento ang ipasasara makaraan magpalabas ng General Executive Order 2017-107 si Gatchalian na naglalayong ipasawalang bisa ang business at mayor’s permits kapag walang FSIC.
Dapat na ipakita ng mga negosyante ang kanilang FSIC pitong araw makaraan ilabas ang order upang hindi maipasara ang kanilang establisyemento.