Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Embalsamador naglaslas sa rooftop (Nalipasan ng gutom)

CEBU CITY – Nabulabog ang mga residente ng C. Padilla St., Lungsod ng Cebu nang may lalaking nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg gamit ang kutsilyo at tangkang pagtalon mula sa rooftop ng 2-storey building pasado 9 a.m. kahapon

Kinilala ang biktimang si Conrado Generali Jr., embalsamador, residente ng Brgy. Duljo-Fatima, Lungsod ng Cebu at empleyado ng kilalang punerarya.

Ayon kay SFO4 Jimmy Layao ng BFP-Cebu City, mabilisan ang ginawa nilang pagresponde dahil makaraan laslasin ng biktima ang kanyang leeg ay palakad-lakad sa rooftop na parang  tatalon mula sa gusali.

Nang madatnan ng mga bombero ang suspek sa rooftop ay nakaupo at nanghihina na dahil sa rami ng dugo na lumabas mula sa sugat sa kanyang leeg. Mabilis na dinala ang biktima sa pagamutan para sa kaukulang lunas. Sinasabing simula kamakalawa ay hindi pa kumakain si Generali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …