Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pari utas sa expired vitamins?

HINIHINALANG nalason sa ininom na expired vitamins ang isang pari makaraan matagpuang walang buhay sa loob ng kanyang kwarto kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Father Lauro Mozo, 55, parish priest ng Saint Francis Church sa Sta. Quiteria St., Brgy. 162, Baesa ng nasabing lungsod, natagpuang walang buhay dakong 7 a.m.

Batay sa ulat ni PO2 Edgar Manapat, sinabi ni Robert Mozo Cagasan, 21, tinungo niya ang kwarto ng pari dahil nagtataka siya dahil hindi pa naghahanda ang biktima para sa isasagawang misa sa umaga.

Pagpasok niya sa kuwarto, inakala niyang napasarap lamang ng tulog ang pari kaya agad niyang ginising ngunit hindi na gumagalaw ang biktima.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) isang bukas na bote ng expired na mamahaling vitamins ang natagpuan sa tabi ng higaan ng biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …