HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigit limang milyong botante na kunin na ang kanilang voters’ identification (ID) cards sa mga opisina ng Comelec.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, nasa 5,506,524 pa ang kabuuang bilang ng voters ID na hindi kini-claim ng mga botante mula noong Marso.
Maaari raw itong kunin sa mga city at municapal offices ng Comelec sa iba’t ibang panig ng bansa.
Base sa kanilang record, karamihan sa mga botanteng hindi pa nakakapag-claim ng voters’ ID ay mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) na aabot sa 1,018,693, sinundan ito ng Metro Manila, 878,192 voters ID ang hindi pa kinukuha.