Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita nabaril ng tatay, patay (Napagkamalang aswang)

053015 FRONTKORONADAL CITY – Patay na nang idating sa ospital ang isang dalagitang nabaril ng sariling ama makaraan napagkamalang aswang sa bayan ng Tantangan, South Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Carmelita “Nanette” Sandigan, 16, residente ng Purok Malipayon, New Iloilo, Tantangan.

Ayon kay Brgy. Kapitan Ben Sandigan ng Brgy. Sampao, Lutayan, Sultan Kudarat, tiyuhin ng biktima, dakong 1 a.m. nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Sandigan, sa salaysay ng kanyang kapatid na si Sanggutin, napagkamalan ng ama na aswang ang anak na dumaan sa bubungan ng kanilang bahay nang umuwi mula sa disco o sayawan.

Hindi aniya dumaan sa pintuan ng kanilang bahay ang biktima sa takot na pagalitan ng mga magulang dahil hindi pinayagang umalis nang nagpaalam upang pumunta sa sayawan.

Nabahala ang ama ng biktima na si Sanggutin at kanyang ina nang may kaluskos silang narinig mula sa bubong ng bahay dahil kalat ang balita tungkol sa aswang sa kanilang lugar.

Makailang ulit tinanong ni Sanggutin kung sino ang nasa bubong ngunit walang sumasagot.

Bunsod nito, napilitan ang ama na paputukan ang nasa bubong gamit ang kalibre .45 baril.

Nalaman lamang nilang ang kanilang anak ang nasa bubungan nang sumigaw ang biktima ng “Ina!” 

Ngunit huli na ang lahat dahil tinamaan sa dibdib ang biktima.

Isinugod siya sa pagamutan ngunit idineklarang patay ng doktor.

Napag-alamang barangay kagawad ng Brgy. Lutayan proper ang ama ng biktima, itinuturing na aksidente ang pagkakabaril sa sariling anak.

“Pinagalitan siya ng tatay niya at hindi pinayagan na mag-disco. Parang  tumakas  siya upang makapag-disco. Pag-uwi niya mga past-1:00 kaninang madaling araw, hindi dumaan sa pintuan, sa bubong ng bahay nag-short-cut. So, ang tatay kasi kalat ang balitang aswang at ‘di sumasagot nang tinatanong, kaya’t nabaril,” kwento ni Sandigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …