Friday , January 3 2025

Blackmail ‘di estilo ng Aquino admin — Palasyo (Para sa BBL)

HINDI estilo ng administrasyong Aquino ang mam-blackmail para makuha ang gusto, kahit na halos kasabay ng pagpupunyaging makalusot sa Senado ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ang pagsasampa ng kaso ng Department of Justice (DoJ) laban sa third batch ng mga mambabatas na sabit sa pork barrel scam, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagkataon lang at hindi sinadya na halos magkasabay ang pagpupursige ng Palasyo na maabot ang Hunyo 10 deadline na makapasa ang draft BBL sa Kongreso sa pagsasampa ng kaso laban sa third batch ng sangkot sa pork barrel scam.

Depensa ni Valte, matagal nang pinaghahandaan ng DoJ ang nasabing kaso, base na rin sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III na mangalap ng matitibay na ebidensiya na tatayo sa korte.

“Sa amin po walang ganyan. Wala ho sa… Kumbaga, hindi po ‘yan nasa style ng administrasyon. Siguro po coincidental lang, and you have to remember that the Department of Justice has been readying the third batch of cases for quite some time now, at ang utos naman po lagi sa kanila ng Pangulo ay kung ano ho mang kaso ‘yung ifa-file ninyo ay siguraduhin ninyong tatayo at hindi naman po pwedeng finile (file) lang para sa PR (press release),” aniya pa.

Iginiit ni Valte na nakahanda ang Palasyo na harapin ang mga pagsubok kaugnay sa BBL at kaya nagpahiwatig si Pangulong Aquino na makikipagpulong sa mga senador para maipaliwanag sa kanila ang posisyon ng Malacanang sa panukalang batas.

Umabot na sa 12 senador ang pumirma sa report ng Senate committee on constitutional amendments na pinangungunahan ni Sen. Miriam Defensor Santiago, na ang draft BBL ay unconstitutional kaya’t kailangang baguhin.

Nauna nang pumasa sa ad hoc committee sa Kamara ang draft BBL makaraan dalawang beses na makipagpulong kay Pangulong Aquino ang mga kongresista.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *