Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis binaril sa demolisyon (2 pang parak sugatan)

TATLONG pulis ang sugatan kabilang ang isang tinamaan ng bala ng baril, nang lumaban ang mga residente sa isinagawang demolisyon sa isang compound sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital si PO1 Virgilio Cabangis, Jr., nakatalaga sa Northern Police District (NPD), sanhi ng isang tama ng kalibre .38 sa kaliwang pigi.

Sugatan din ang dalawa pang tauhan ng Special Weapons and Tactic (SWAT) ng Caloocan City Police na tinamaan ng basag na bote at bato sa kanilang katawan.

Habang arestado ang dalawa sa mga residenteng kinilalang sina

Jonel Orlando, 23, at Ewin Santos 39, sinasabing responsable sa paghagis ng bato at pagbaril sa pulis.

Batay sa ulat ni Senior Supt. Bartolome Bustmante, hepe ng Caloocan City Police, dakong 8 a.m. nang pasukin ng demolition team ang Calaanan Compound sa Brgy. 86, Zone 8, District 2, Caloocan City.

Ngunit sinalubong sila ng mga bote at malalaking tipak ng bato na inihagis ng mga residente hanggang sa isa ang magpaputok ng baril na ikinasugat ni Cabangis.

Umatras ang demolition team at mga pulis ngunit kasunod na pumasok ang mga miyembro ng SWAT na nagresulta sa palitan ng putok.

Sa panig ng mga residente, inakala nilang ang bahay lamang ng mga nakipag-areglo ang gigibain ngunit hindi nila akalaing lahat ng kabahayan ang idedemolis.

Bago ang insidente, nag-alok ang may-ari ng lupa sa mga residente na babayaran ng P60,000 ang bawat bahay ngunit nang malaman nilang umaabot sa P80,000 per square meter ang halaga ng lote ay marami ang nagmatigas.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …